Manny Villar (The Short Story)  

Posted by Aldrian Inocencio in


 Sino Si Manny Villar?
Si Villar ay ang ikalawa sa siyam na anak nina Curita Bamba, isang seafood dealer, at Manuel Montalban Villar Sr., isang empleyado ng gobyerno. Ipinanganak noong Disyembre 13, 1949 sa Moriones, Tondo, Maynila, nagsimula siyang magtrabaho sa murang edad bilang katulong ng kanyang ina sa pagtitinda ng pagkaing-dagat (seafood) sa Divisoria. Sa kanyang pagsusumikap ay siya na rin ang nagpaaral sa sarili. Nagtapos siya ng elementarya sa Holy Child Catholic School noong 1962 at ng hayskul sa Mapua Institute of Technology noong 1966.

Isa pa rin siyang working student pagdating ng kolehiyo bilang seafood trader. Matapos ng ilang taon ay nakatapos rin siya ng undergraduate at master's degree sa Business Administration and Accountancy sa Unibersidad ng Pilipinas. Sinubukan rin niyang magtrabaho sa prestihiyosong Sycip, Gorres, Velayo & Co. (SGV & Co.), ngunit umalis din kinalaunan upang ipagpatuloy ang kanyang negosyong seafood delivery. Sa maikling panahon ay nagtrabaho rin siya bilang financial analyst sa Private Development Corporation of the Philippines, ngunit nagbitiw din agad sa tungkulin at nagsimula ng panibagong negosyo na kaugnay sa construction.

Sa kanyang negosyo sa construction niya napag-isip-isip na simulan ang muling pagtatayo ng isa pang negosyo--ang pagbebenta ng bahay at lupa. Simula noon ay itinuring si Villar bilang isa sa mga haligi ng industriya ng real estate sa Pilipinas.

Buhay pulitika
Noong 1992 ay sinubukan niya ang swerte sa larangan ng pulitika--tumakbo siya bilang Kongresista ng Las PiƱas at Muntinlupa, at nanalo. Naatasan naman siya bilang Tagapangulo ng Kongreso noong 1998, at ginamit ang kanyang mga nalalaman sa ekonomiya at pamamahala (management) bilang bahagi ng economic team ng Kongreso.

Pagdating ng 2001 ay sinubukan niyang tumakbo para sa isang posisyon sa Senado, at muling nanalo. Sa suporta ng kanyang mga kapwa senador ay naihalal siya bilang Pangulo ng Senado noong Hulyo 2006. Humawak rin siya ng mga posisyon sa iba't ibang komite.

Bilang politiko, patuloy ang kanyang pagtataguyod ng kahalagahan ng sipag at tiyaga upang maabot ang mga pangarap ng mga Pilipino.

Please visit my other sites:
http://human2010.wordpress.com/
or email me at ialdrian@yahoo.com / aldrian.ian@gmail.com / ialdrian@gmail.com



Bookmark and Share

This entry was posted on Thursday, January 21, 2010 at 11:38 PM and is filed under . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

0 comments

Post a Comment