
Ang nangyayaring kaguluhan sa Maguindanao ay tanda ng masamang pamamahala ng pamahalaan sa nasabing lugar, at hindi dapat ito palampasin sa ilalim ng batas na magtatangol at magbibigay hustisya sa mga taong naging biktima, mga sibilyang walang laban lalo't higit sa mga taga media na ang tanging tungkulin ay maglingkod sa bayan at sa mamamayan upang ihatid lamang ang bawat kaganapang nangyayari sa ating bayan maging sa ibang bansa sa buong mundo.
Nakakalungkot ang ganitong pangyayari sa ating bansa, nakakalungkot dahil sa maraming buhay ang nawala at pamilyang nawalan ng mga mahal sa buhay at ito ay dahilan lamang sa maruming politika sa ating bayan, at maabusong mga pinuno na gahaman sa yaman at kapngyarihan. Lalong kalulungkutan ko ang mga taong patuloy na sumusuporta at sumasaludo at nanatiling tapat sa mga pinuno nilang sadlak sa kasamaan, mamamatay at abusado sa kapangyarihan, Wala ba sa pamilya o mahal sa buhay nila ang nabilang sa mga pinaslang o di kaya'y wala ba silang isip at damdamin o awa sa mga taong pinaslang ng walang kalaban-laban e kung sa kanila kaya mangyari ang ganitong trahedya ipaglalaban pa ba nila ang mga demonyong pinuno nila?
Sa mga buhay na nawala dahil lamang sa paglilingkod sa bayan ng tapat,
Sa mga buhay na nawala dahil sa responsibilidad na maihatid lamang ang balita sa mamamayan,
Sa mga buhay na nawala dahil sa mga pinunong puro kasamaan at ganib sa kapangyarihan ang inaatupag. Nawa'y Hustisya ng Tao at ng Dios ay mananaig.
" Justice for the victims of Maguindanao massacre! "
Watch favourite links
Search Engine Submission - AddMe
-